This song was introduced to me by Mr. Melvin Barrantes and Ms. Jasmin Gallardo. I played this for the wedding of Mamu Josefina Fabricante's son's wedding. I never found a well-transcribed lyrics on-line and so I decided to post this up. If I am not mistaken, this was pre-recorded by Mr. Ariel Rivera and Ms. Lani Misalucha, and performed by Raymond Lauchengco and Chiqui Pineda.DISCLAIMER: I do not own any part of this song.
Ako'y Iyong-Iyo
Ariel Rivera and Lani Misalucha
ARIEL: Init ng 'yong yakap, tamis ng 'yong halik,
Dikit ng katawan, habang nagtatalik,
LANI: Ako'y iyong-iyo, walang pagkakimi,
Ibibigay sa'yo, langit na sandali...
ARIEL: Bango ng iyong buhok, lambot ng 'yong dibdib,
Nalalasing ako nitong pagsasanib,
LANI: Ako'y iyong-iyo, walang pagkakimi,
Ibibigay sa'yo, langit na sandali...
Reprano:
ARIEL: Halina giliw ko, sa dulo ng sabik,
LANI: Buhayin ang panata ng pag-iisang dibdib,
ARIEL & LANI: Ako'y iyong-iyo, lindol man o bagyo,
Walang pag-alinlangan, ako'y iyong-iyo...
LANI: Ningas ng 'yong dila, nagbibigay sigla,
ARIEL: Himas ng 'yong palad, nakakapangliyad,
LANI: Dampi ng 'yong labi, kirot napapawi,
ARIEL: Akit ng 'yong titig, nakakapanginig...
Ikalawang Reprano:
ARIEL: Halina giliw ko, sa dulo ng sabik,
LANI: Buhayin ang panata ng pag-iisang dibdib,
ARIEL & LANI: Ako'y iyong-iyo, lindol man o bagyo,
Walang pag-alinlangan, ako'y iyong-iyo,
LANI: (Ako'y iyong-iyo...)
Huling Reprano:
ARIEL & LANI: Dalhin na natin 'to, sa rurok ng langit,
Buksan ang kabanata ng pag-iisang dibdib,
Ako'y iyong-iyo, lindol man o bagyo,
Walang pag-alinlangan, walang pag-alinlangan,
Walang pag-alinlangan, ako'y...
LANI: ...iyong-iyo...
Koda:
ARIEL: Init ng 'yong yakap, tamis ng 'yong halik,
LANI: (Ako'y iyong-iyo...)
-fin-
No comments:
Post a Comment
Leave a comment! Be nice...